Tila huli na ang pagpapahintulot ng Supreme Court sa Land Transportation Office sa pag-release ng nasa 700,000 plaka ng sasakyan.
Ito, ayon kay Senador Ralph Recto, ay dahil malaki pa rin ang inaasahang gap sa license plate lalo’t sa nakalipas na tatlong taon ay lumobo ang bentahan ng sasakyan.
Noon lamang anyang 2015 ay umabot sa 1.14 million units ang automobile sales habang 1.1 million units noong 2016 at tinatayang 1.2 million units noong isang taon.
Umaasa naman si Recto na matapos i-lift ng S.C. ang Temporary Restraining Order sa pamamahagi ng plaka ay susunod ng maresolba ang lahat ng legal, auditing at budgeting issues sa produksyon ng license plate.
Blangko naman ang Senador sa susunod na mga hakbang ng Department of Transportation.