Inihirit ng DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang makalabas ng bahay ang mga bakunado kahit nasa enhanced quarantine classification ang NCR.
Ayon kay Diño, dapat bigyan ng konsiderasyon ang mga nagboluntaryong nagpabakuna o magpapabakuna lalo na ang mga nag-tatrabaho.
Dapat anyang arestuhin at pagbawalang lumabas ang mga matitigas ang ulo at mga ayaw magpabakuna o mga unvaccinated.
Tiniyak din ng DILG Official na handa ang mga Barangay na magpatupad muli ng lockdown at higpitan pa ito lalo’t marami na ang hindi nagsusuot ng facemask.
Nakatakda namang magpulong ngayong araw ang IATF at ilang concern agencies upang talakayin ang naturang issue.—sa panulat ni Drew Nacino