Pinakikilos na ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng Regional Directors ng Land Transportation Office (LTO) para sa paggawa ng mas pinahusay na Road Safety Plan.
Sinabi ni Transportation secretary Jaime Bautista na bukod sa suporta ng mga Regional Director sa aktibong pag-po-promote ng Road Safety ay kinakailangan ding tugunan ang pagsulong ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization.
Dagdag pa ni Bautista na mayroong limang taong Philippine Road Safety Plan ang DOTr, isang medium-term, multi-agency at multi-stakeholder roadmap para sa road safety interventions upang masiguro ang zero deaths sa kalsada.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga kinauukulang ahensya at mga tanggapan sa pag-sasaayos ng mga plano at pag-sasagawa ng pag-aaral sa mga rekomendasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ay para masolusyunan ang mga problema sa pagpapatupad ng Global Action Plan hinggil sa kaligtasan sa daan. —sa panulat ni Hannah Oledan