Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang food security at de-kalidad na mga gamot sa mga ASEAN Leaders.
Sinabi ng Pangulo na paghusayin pa ang ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTEER).
Dahil layon nito na mapalakas ang food security, poverty alleviation at malnourishment eradiction.
Samantala, hiniling rin ni PBBM na magkaroon ng mura at de-kalidad na gamot para mapabuti ang kalusugan.
Kaya naman, hinimok ng Pangulo ang mga lider na makipagtulungan sa India na tinaguriang ‘Pharmacy of the World’ upang matiyak na may access sa abot kaya ng mga gamot at bakuna. —sa panulat ni Jenn Patrolla