Tiniyak ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na susunod sila sa hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang rollout ng COVID-19 booster shots.
Ayon kay LPP President Presbitero Velasco Jr., buo ang suporta ng mga Gobernador sa panawagan ni Marcos Jr. na gawin ang lahat sa rollout ng booster jabs.
Aniya, naniniwala rin siya na epektibo ang booster para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Bukod dito, paiigtingin din ng mga gobernador ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing.
Matatandaang inatasan ni Marcos Jr. ang mga bagong halal na gobernador at alkalde na paigtingin ang pagbabakuna ng booster shot para sa ligtas na pagbabalik ng in-person classes at matiyak na hindi na maulit ang pagpapatupad ng lockdown.