Nanawagan sa pamahalaan si Senator Christopher ‘Bong’ Go upang paigtingin ang Awareness, Detection, Diseasse Surveillance at Containment efforts sa bansa.
Kasunod ito ng pagkakakumpirma ng unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Ayon kay Go na chairperson din ng Senate Committee on Health, plano niyang maghain ng resolusyon upang hilingin sa Department of Health at iba pang ahensiya na magkaroon ng hakbang para matiyak ang maayos na healthcare system ng bansa.
Iginiit naman ng Senador ang pinagdaanan ng bansa sa gitna ng Covid-19 pandemic na mabisa nang dahilan para matugunan ng maayos ng monkeypox virus.
Sa ngayon, apela ng mambabatas sa publiko na patuloy pa ring sundin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask lalo na sa mga kulob na lugar, at panatilihin ang physical distancing.