Walang nakikitang problema ang isang mambabatas sa pagdaragdag ng Pilipinas at Estados Unidos ng apat pang lokasyon para sa mas maigting na implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ayon kay Sen. Francis Tolentino, solido ang suporta niya rito hangga’t nasusunod ang orihinal na intensiyon ng nasabing kasunduan.
Sa gitna ng tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea at South China Sea, una nang iminungkahi ni Tolentino ang pagsasagawa ng multilateral show ng maritime security cooperation kasama ang US at iba pang kalapit-bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Binigyang-diin ni Tolentino na ang mas malawak na joint patrols ay makatutulong upang matiyak ang freedom of navigation, kalayaan sa pangingisda at maiwasan ang sigalot sa rehiyon.