Hindi tumitigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusumikap nitong alisin sa social media ang propaganda at iba pang aktibidad ng mga terrorista.
Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa harap ng sunod-sunod na pakikipagpulong nila sa mga opisyal ng social media giant na facebook.
Ayon kay Gapay, hindi nila hahayaang magamit ng mga terrorista ang social media para linlangin ang mga kabataan upang mapalakas ang kanilang puwersa.
Kabilang sa mga nakipagpulong sa AFP ay ang public policy head ng Facebook Philippines na si Claire Amador kasama ang public policy manager nitong si Chris Kuzzhuppilly.
Gayundin ang content policy manager ng Facebook Asia and the Pacific na si Jan Edward Lim gayundin ang kanilang law enforcement outreach manager Rob Adams.
Umaasa si Gapay para sa mas mayabong na ugnayan sa pagitan ng militar at ng facebook upang maisulong ang mga proyekto ng pamahalaan at magbigay pagkakataon sa mga Pilipino upang umunlad.