Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na malaki ang maitutulong ng pagpapaigting sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City.
Ito ang dahilan ayon sa Pangulo kaya’t nais niyang lalo pang paigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa sa isyu ng maritime security.
Dagdag pa ng Pangulo, ito ay upang mapigilan din ang paglalabas – masok ng mga lokal at dayuhang terorista sa bansa.
Maliban sa maritime security, sinabi ng Pangulo na nais din niyang ipagpatuloy ang Indo-Philippine route na tiyak makatutulong lalo sa dalawang bansa sa aspeto naman ng ekonomiya at kalakalan.
Ginawa ng Pangulo ang naturang pahayag nang humarap sa kanya si Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa isang courtesy call sa Presidential Guest House sa Davao City kamakalawa.