Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na paigtingin ang mga ipinapatupad na panuntunan dahil sa nangyayaring mass gatherings sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, mas prayoridad nito ang paglaganap ng mga nangyayaring pagtitipon ng mga tao kumpara sa pagpapalabas ng mga limang taong gulang pababa.
Ginawa nito ang apela nang payagan na ng IATF ang mga batang may limang taong gulang pababa na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified GCQ.
Sinabi rin ni Cayetano na maraming pamilya ang nagsasagawa ng pagtitipon sa kabila ng pagbabawal sa ilalim ng mga patakaran ng GCQ.
Aniya, hindi katulad sa labas ay hindi naman namomonitor ng mga kapulisan sa loob ng bahay ang mga ipinapatupad na health protocols.