Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga negosyante sa bansa, na paigtingin ang mga gawain laban sa climate change.
Ang panawagan ay kasabay ng pagdiriwang ng earth day nitong Biyernes, kung saan kasama sa isinusulong ay labanan ang epekto ng pagkasira ng kapaligiran at banta ng climate change.
Ayon kay DENR sec. Jim Sampulna, kasama sa mga pinapa-alalahanan ay ang mga manufacturing companies, food business, at market vendors na pangunahing pinagmumulan ng mga residual at solid waste.
Bilang solusyon, inirekomenda ng DENR sa mga food companies na gumamit ng food packaging na reusable o biodegradable dahil ang mga basurang ito ay maaaring mapunta sa mga estero, ilog, at dagat.
Ang Earth Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing ika-22 ng Abril na nilalahukan ng higit sa 190 bansa.