Nakahanda na ang mga karagdagang miyembro ng PCG o Philippine Coast Guard na itatalaga para sa pagapapaigting ng kanilang pagpa-patrolya sa Lanao Lake.
Ito ay kasunod na rin ng ulat na nakakalusot pa rin ang mga miyembro ng Maute terror group papasok at palabas ng Marawi City kaya hindi pa rin matapos ang gulo sa lungsod.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, anim na patrol boat ang kanilang paiikutin sa Lanao Lake.
Aniya, lahat ng bangkang dadaan sa lawa ay i-inspeksyunin at hahanapan ng ID ang mga sakay nito habang ipinagbabawal ang pangingisda malapit sa Marawi City.
Dagdag ni Balilo, magiging katuwang nila ang mga tauhan ng Philippine Navy para sa pag papatupad ng seguridad sa Lanao Lake.