Hinimok ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang Local Government Units na tiyaking mapalakas ang kanilang case finding at Contact Tracing Efforts kasabay ng pilot implementation ng alert level system sa NCR.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangan ng mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng kahit isang contact tracer sa bawat barangay na may populasyon na hindi hihigit sa 5,000.
Aniya, kailangan na maging agresibo sa case finding at contact tracing lalo’t mabilis ang pagkalat ng mas nakakahawang delta variant.
Sinabi pa ni Año na handa ang ahensya na magsanay ng mas maraming contact tracer sa pamamagitan ng local government academy at Department Of Health.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico