Hinimok ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. o PHAPI ang gobyerno na paigtingin ang contract tracing efforts nito upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni PHAPI President Dr. Jose Rene De Grano na ang kasalukuyang contact tracing ay hindi sapat upang matukoy ang mga close contacts ng mga nagpositibong sa virus.
Aniya, tila kulang na kulang ang contact tracing efforts ng bansa dahil sa halip na 15 hanggang 20 katao ay anim hanggang walong indibidwal lamang ang nati-trace.
Binigyang diin ni De Grano na dapat na magkaroon ang Pilipinas ng maayos na mekanismo pagdating sa contract tracing gaya sa ibang bansa.
Kaugnay nito, hinikayat naman ni De Grano ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad.—sa panulat ni Hya Ludivico