Umaasa si Deputy Speaker at Senator-elect Loren Legarda na mapapaigting pa ang pagpapatupad ng environment at Climate Change Laws ng bansa.
Kasabay ito ng pagpapatibay ng Kamara sa House Resolution 2605 na naghahayag ng panawagan ng Mababang Kapulungan para sa climate justice at pagpapalakas sa implementasyon ng mga climate change and environmental sustainability laws sa Pilipinas.
Dagdag ni Legarda na patuloy dapat bigyan ng ngipin, ang nasa 10 landmark environmental laws ng bansa upang matiyak ang climate-resilient, sustainable, green, at regenerative economy lalo na para sa vulnerable sector ng Pilipinas.
Bahagi rin ng resolusyon ang pagbuo sa isang accountability mechanism for climate change at loss and damage fund.