Hiniling ng ilang kongresista sa Department Of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force o IATF na paigtingin ang information at education drive hinggil sa COVID-19 vaccine.
Sa house resolution 1818 nina Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, pinakikilos ang DOH at IATF na pag-ibayuhin ang vaccine information at education efforts upang maunawaan ng publiko ang benepisyong makukuha sa bakuna kontra COVID-19.
Layunin nitong mapabilis ang vaccine rollout sa pamamagitan ng pagkontra sa mga disinformation kaugnay sa COVID-19 vaccination at mapataas ang kumpyansa at tiwala ng publiko sa bakuna.
Ilan sa mga maling impormasyon na pinaniniwalaan ay ang pag-inom ng mga gamot kontra COVID-19 kahit wala pa namang matibay na scientific evidence na epektibo ito laban sa virus.—ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)