Nilagdaan na ang “memorandum of understanding on a cooperation to counter international terrorism” sa ginanap na ASEAN-Australia Special Summit.
Layon ng nasabing kasunduan na palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa paglaban sa terorismo at maging pagtutulungan sa pondo para rito.
Sa isang joint statement ng mga lider ng mga bansa, iginiit na napapanahon ang pagpapalakas ng puwersa para labanan ang terorismo dahil sa mga banta ngayon sa seguridad ng mga dayuhang rebelde maging ng Islamic State of Iraq and the Levant o ISIL.
Nanguna sa nasabing summit si Department of Foreign of Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na siyang kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte.
—-