Isinusulong ng DFA o Department of Foreign Affairs ang pagpapaigting sa pagbibigay ng tulong sa mga migrante ng Pilipinas na nasa Russia gayundin sa mga Russian na nasa bansa.
Sa pakikipagpulong ni DFA Undersecretary for Overseas Migrant Workers Affairs Jesus Yabe sa mga opisyal ng Russia, binigyang diin nito ang kahalagahan ng programang assistance to nationals ng bansa sa mga Pilipinong nasa ibang bansa kabilang na ang Russia.
Tiniyak ni Yabe na bukas ang pamahalaan sa pagtataguyod ng mekanismo para matugunan ang mga pangangailangan ng Russia at Pilipinas sa usapin ng kani-kanilang mamamayan.
By Judith Larino | Allan Francisco