Pinag-aaralan na ng DOH ang posibleng pagpapaikli sa quarantine period ng mga fully vaccinated medical workers na na-exposed sa COVID-19.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, kanilang kinukonsulta ang mga eksperto hinggil dito at kung irerekomenda nila ito, pitong araw na lamang isasailalim ang mga fully vaccinated na health workers.
Ani Vergeire, ito aniya ay para hindi naman 14 na araw silang nawawala sa mga ospital.
Paghahanda na rin umano ito sa inaasahang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.