Binigyang diin nina Presidential Adviser Joey Concepcion at OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco ang pagtuturok ng booster shot nang mas maaga sa anim na buwan lalo’t marami nang suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Ang panawagan nina Concepcion at Austriaco ay kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na mayroon nang naitalang dalawang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.
Giit ni Austriaco, humihina o nawawala kasi ang proteksyon ng bakuna laban sa Omicron variant pagkatapos ng lima hanggang anim na buwan depende sa brand.
Kaya aniya ay kailangan ang booster shot bilang depensa sa virus.
Samantala, sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque, III na inaasahang mailalabas na sa susunod na linggo ang desisyon ng Vaccine Expert Panel hinggil sa rekomendasyong pagpapaikli sa interval o agwat ng pagbabakuna ng second dose at booster shot ng COVID-19.
Ayon kay Duque, prayoridad pa rin ang pagbibigay ng primary series.