Irerekonsidera ng IATF ang panukalang bawasan ang quarantine period para sa mga air passengers.
Ayon ito kay trade secretary Ramon Lopez na nagsabing ngayong linggo o sa susunod na linggo magpupulong ang IATF sakaling isulong at maaprubahan sa technical level.
Tiniyak ni Lopez ang pagtulong sa aviation sector para kahit paano ay makapagbukas ng operasyon sa pamamagitan nang pagluluwag ng travel restrictions habang paparami ang mga nababakunahan.
Una nang inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang isinusulong ng airline companies na gawing pito na lamang ang 10-day quarantine period para sa incoming travelers dahil mabigat ito sa bulsan ng mga pasahero.