Tinitingnan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibilidad na ipatupad rin ang alert level system sa ibang rehiyon pagdating ng Oktubre.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, kung magiging matagumpay ang implementasyon ng alert level system ay maaari rin itong ipatupad sa ibang lugar sa labas ng Metro Manila.
Nakatakda namang talakayin ng DILG, mga gobernador at mga Alkalde ang mga panuntunan para sa implementasyon ng granular lockdowns.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, na nakikita na nila ang epekto ng granular lockdowns ngayong bumababa na ang mga kaso ng COVID-19.
Gayunman, nasa kamay pa rin aniya ng medical experts ang desisyon kung ibaba na ang alert level sa rehiyon.—sa panulat ni Hya Ludivico