Sinita ng mga doktor ang implementasyon ng panibagong alert level systems sa Metro Manila kasabay ng nararanasang surge sa COVID-19 cases.
Kinuwestyon ni Philippine College of Physicians President, Dr. Maricar Limpin ang timing sa pagpapatupad ng alert level system gayong puno na ang mga ospital sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Limpin, dapat magbigay ng metrics o batayan ang gobyerno hinggil sa ipinatutupad na alert level sa Metro Manila.
Dapat anyang paghandaan na ng pamahalaan ang posibleng pagtaas o pananatili ng datos ng mga kaso habang nakataas ang alert levels sa NCR.
Naniniwala naman si Limpin na bagaman maluwag ang quarantine restrictions sa Metro Manila, dapat pa ring iwasan ang paglabas ng bahay at kung hindi naman maiiwasan ay dapat sundin ang health protocols.—sa panulat ni Drew Nacino