Suportado ng Simbahang Katoliko ang paghihigpit muli ng mga panuntunan sa gitna na rin nang patuloy na pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng public affairs committee ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na inaasahan na nila ang mga panibagong paghihigpit ng gobyerno lalo pa’t tuluy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular sa Metro Manila.
Hindi naman kami nabigla, gano’n naman talaga pag tumataas ang kaso [ng COVID-19], talagang may protocol na dapat ipatupad,” ani Secillano.
Tiniyak naman ni Secillano na tuluy-tuloy ang pagdaraos ng misa subalit lahat ay online na.
Hindi naman na aniya aalisin ang online mass dahil marami sa mga tao ang sadyang hindi pwedeng lumabas dahil sa COVID-19.
Ibig sabihin po, magmimisa kami pero ‘yung mga tao hindi po ina-allow ng IATF na dumalo doon sa misa mismo, kaya wala pong public celebration, pero meron po kaming celebration pa rin,” ani Secillano. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais