Magpapatuloy ang isinasagawang caravan ng Skyway O&M corporation para sa pagkakabit ng mga RFID.
Ayon kay Manuel Bonoan, CEO ng Skyway O&M Corporation, maaaring mag-request ang isang kumpanya na maraming pag-aaring sasakyan o grupo ng mga tao na magpalagay ng RFID sa pamamagitan ng website na www.autosweeprfid.com.
Aniya kanila itong i-schedule at saka pupuntahan para makabitan ng RFID.
Ipinaalala naman ni Bonoan na libre ang installation ng RFID stickers at tanging babayaran lamang ng motorista ang inisyal na load nito na P200 para sa mga maliliit na sasakyan.
Una nang sinabi ng Department of Transportation na maaari pa ring magpalagay ng RFID matapos ang deadline na December 1 hanggang January 11 ng susunod na taon.