Tuloy tuloy ang pagpapakalat ng impormasyon ng DILG o Dept of Interior and Local Government tungkol sa pederalismo.
Ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing, naglaan ng 150 milyong pisong pondo ang DILG para ngayong taon para lamang sa information drive sa pederalismo.
Sinabi ni Densing na isang katunayan ito na hindi pa sinusukuan ng pamahalaan ang pagpapalit sa sistema ng pamahalaan sa pederalismo.
Kumbinsido si Densing na kayang isulong ang plebisito para sa pederalismo kasabay ng presidential elections sa 2020 kung magkakasundo ang lahat na ang gagamiting paraan para maamyendahan ang konstitusyon ay constitutional convention.
“Pag nagkaroon tayo ng eleksyon by 2022, baka pwede tayo magkaroon ng plebiscite at kung sino man ang mananalomg opisyales at that time ng gagawing pangulo by 2022, will become a transition president so sana gamitin na natin yung constitutional convention maamyenahan na yung ating constitution. “ — Pahayag ni DILG Usec. Epimaco Densing
(Ratsada Balita interview)