Iginiit ng Department of National Defense na walang dahilan para kanselahin ng pamahalaan ang ‘frigate acquisition project’ ng Philippine Navy.
Kasunod ito ng alegasyon ni Magdalo Representative Gary Alejano na mayruong anomalya sa nasabing proyekto.
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong , hindi ito maaring gawing legal na basehan dahil nakasaad sa Republic Act 0184 o Government Procurement Reform Act na may mga kailangang kondisyon para makansela ang isang proyekto.
At sa ngayon aniya ay wala ni isa sa mga kondisyong ito ang makikita sa ‘frigate acquisition project’
Ipinanawagan ni Alejano ang kanselasyon ng proyekto matapos umanong maloko ng isang kumpanya ang PH Navy para ito ang magsupply ng computer system sa bagong biling barkong pandigma ng bansa.