Pinakakansela ng Department of Justice o DOJ sa korte ang inilagak na piyansa ng mga pansamantalang nakakalayang consultant ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Gayundin, ang hiling na direktang pag-aresto at pagbabalik sa kulungan ng mga ito.
Sa inihaing mosyon ng DOJ sa Manila Regional Trial Court Branch 32, kanilang iginiit na wala nang legal na basehan ang pagiging malaya ng mga NDFP consultants.
Ito ay matapos anila lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 360 na tuluyang nagpapatigil sa usapang pangkapayapaan.
Kabilang sa mga NDFP consultants na pansamantalang binigyan ng kalayaan ay ang mag-asawang Benito and Wilma Tiamzon na kapwa nahaharap sa patung-patong na kaso ng murder at kidnapping.
—-