Hindi pa napag-uuspaan nina Kylie Padilla at fiance nitong si Aljur Abrenica kung anong petsa ang kanilang kasal.
Ayon kay Kylie, makapaghihintay naman ang kasal at mas nais nilang bigyang atensyon ang kanyang panganganak.
Sinabi ni Kylie na ayaw niyang madaliin at ipilit ang kasal dahil lamang siya ay buntis.
Binigyang diin ng Kapuso Actress na saka na nila ito pagpaplanuhan kapag naipanganak na niya ang kanilang anak.
Kasalukuyang sa ika-7 buwan na ng pagbubuntis si Kylie.
By Ralph Obina
Photo Credit: Kylie Padilla Instagram