Aaksyunan na ng United Nations Security Council ang malimit na pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea.
Napagkasunduan ito ng mga miyembro ng security council makaraang ihayag ng North Korea ang matagumpay na test firing ng kanilang ballistic missile na sinasabing may kakayahang magdala ng nuclear warhead.
Nagkakaisa ang mga miyembro ng UN Security Council sa pagkondena sa test firing, kasama ang China na isa sa kaalyado ng North Korea.
Sinang-ayunan ng China ang resolusyon ng konseho na maituturing na mabigat ang naging paglabag ngayon ng North Korea.
By Len Aguirre