Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam sa Luzon.
Ayon kay PAGASA Hydrologist Richard Orendain, unang isinara ang Magat Dam alas-9:00 kagabi at kaninang alas-12:00 ng hatinggabi ang Angat Dam sa Bulacan.
Isinara na rin aniya ang gate ng Ipo, Bustos, Ambuklao at Binga na una nang binuksan alas-8:00 ng umaga kahapon.
Sinabi ni Orendain na hindi na kailangang magpakawala muli ng tubig ang mga dam base na rin sa rainfall forecast.
By Judith Larino