Maaaring ituloy ang pagpapakawala ng tubig sa Magat dam ngayong buwan.
Ito’y ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bilang bahagi ng precautionary measures o pag-iingat laban sa posibleng pag-apaw ng dam.
Ayon kay PAGASA hydrologist Ailene Abelardo, dahil sa inaasahang makakaranas ng hanggang 558 mm na buhos ng ulan ngayong Agosto ay posible umanong sumapit sa “normal high” ang antas ng tubig sa Magat.
Matatandaang sinuspinde ng Magat dam ang spilling operations nito noong Disyembre ng nakaraang taon.