Labis ang pasasalamat sa Senado ni Summer Ong, asawa ng Pharmally Executive na si Linconn Ong, dahil sa pagpapakita ng konsiderasyon para pansamantalang makalaya ang huli upang mabisita ang anak na may sakit.
Batay sa ipinadalang liham sa Senado, sinabi ni Ginang Ong na ikinagagalak nilang mag-anak ang konsiderasyon ng mga senador sa kasalukuyang sitwasyong kinahaharap ng kanilang pamilya, aniya, bagama’t nakalabas na ng ospital ang dalawang taong gulang na anak dahil sa dengue ay hindi pa rin ito tuluyang nakakarekober.
Partikular na nagpasalamant si Ginang Ong kay Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Dick Gordon at sa tandem nina Presidential candidate Sen. Panfilo Lacson at Vice Presidential bet Senate President Tito Sotto dahil sa pag-unawa sa kalagayan ng anak.
“I wish to express my heartfelt gratitude to Senate President Tito Sotto and to Senator Panfilo Lacson for the kind words and understanding of my fervent request on behalf of my son. I also wish to thank Senator Richard Gordon and the Blue Ribbon committee in advance for whatever consideration they are willing to provide for my husband Linconn Ong,” saad ni Ginang Ong sa kanyang liham.
Ayon kay Ginang Ong, malaking tulong ang pansamantalang pagpapalaya sa asawa para bumuti ang kalagayan ng kanilang anak, kasabay nito ay tiniyak ni Ginang Ong sa mga senador ang kahandaan ng kanilang pamilya na harapin ang anumang isasampang kaso kaugnay sa Pharmally issue.
“Our son, by the grace of God has been discharged from the hospital and will continue to be monitored at home. Hopefully he can derive more strength from spending time with his daddy and recover faster. We do implore the kind Senators to please let my husband stay home in the meantime to help rebuild our family, our lives, and to prepare us to face whatever may come. As I have said in my letters, let me assure you, as one family, we are willing to face whatever challenges and trials together” wika ni Ginang Ong.
Maliban kina Sotto, Lacson at Gordon ay pabor din si Sen. Risa Hontiveros na pansamantalang palayain si Ong na may 5 buwan nang nakakulong.
Si Ong, kasama ang isa pang opisyal ng Pharmally na si Mohit Dargani, ay kasalukuyang nakapiit sa Pasay City Jail matapos silang i-contempt ng Senado noong pang Setyembre 2021 sa kasagsagan ng imbestigasyon sa Pharmally mess.