Hindi pa huli para magpakita ng respeto ang mga kandidato sa election process at higit sa lahat paggalang sa ating mga botante.
Ito ay ayon kay senator Panfilo Lacson ang kanyang panawagan at hindi siya kabilang sa nanawagang umatras si VP Leni Robredo sa presidential race.
Ayon kay Lacson mahusay na maipapakita ang paggalang sa ating mga botante kung bibigyan sila ng maraming mapagpipiliang kandidato.
Giit ni Lacson malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi nagsasagawa ng personal at walang basehang pag-atake at pagpaniobra para paatrasin ang ibang kandidato sa pamamagitan ng kanilang operator.
Sinabi naman ni SP Sotto na sila ni Lacson ay lumagda sa isang joint statement kasama ang ibang presidential at vice presidential candidates para itaguyod at isulong ang soberenya ng mga botante ngayong malapit na silang pumili ng magiging bagong lider ng bansa sa Mayo 9.
Giit ni Sotto nakiisa sila ni Lacson para labanan ang anumang pagtatangka na pabagsakin o pahinain ang kagustuhan ng mga botante sa pamamagitan ng paglimita sa maaaaring pagpilian
Pero hindi anya sila kaisa sa pananaw at panawagang umatras si VP Robredo.