(HEALTH)
Mahilig ka bang magpakulay ng buhok para takpan ang inyong mga white hair?
Pakinggan niyo muna ito bago magpasiyang gawin ito.
Batay sa isang pag-aaral, mas mataas ang panganib na magkaroon o mag-develop ng sakit sa atay ang mga mahilig o madalas na nagpapakulay ng kanilang mga buhok.
Kasunod ito ng ginawang pag-aaral sa 5,000 katao kung saan nakitang 40 porsyentong mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa atay ang mga participant na nagkukulay ng buhok kumpara sa mga hindi.
Isa sa tinukoy na responsable sa pagkasira ng atay ay ang kemikal na octynoic acid na nakikita sa hair dye gayundin sa nail polish at ibang regular beauty cosmetics.
Bukod dito, nakita rin ang kemikal na toluidine sa mga pangkulay ng buhok na nagdudulot din ng pagkasira sa atay.
Kaya naman makabubuti rin kung titignan muna ang label ng mga nais na gamiting pangkulay ng buhok kung nagtatagalay ito ng mga nasabing kemikal na nakasisira sa atay at katawan.
—-