Ipinag – utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapalabas ng 30 milyong pisong ayuda sa mahigit dalawang libong (2,000) empleyado na naapektuhan ng sunog sa NCCC Mall sa Davao City.
Ang nasabing pondo ay bahagi ng emergency employment ng mga apektadong manggagawa o kanilang dependents sa loob ng isang buwan.
Makikinabang sa naturang ayuda ang mga empleyado ng NCCC Mall, SSI Call Center, empleyado ng mall at iba pang manggagawa ng service providers.
Magbibigay din ng ayuda ang Bureau of Working Conditions, Occupational Safety and Health Center at Employees Compensation Commission.
Una nang pinakilos na ni Bello ang regional office ng DOLE sa Davao City para imbestigahan ang kalagayan ng mga empleyado ng SSI Call Center.
Magugunitang karamihan sa mga nasawi sa sunog sa NCCC Mall ay mga empleyado ng naturang US based company.