Dahil sa paglaganap ng omicron variant ng covid-19, nagpasya ang Sony Corporation Movie Studio na ipagpaliban muna ang pagpapalabas ng Marvel superhero movie na “Morbius”.
Ilang beses na ring naantala ang pagpapalabas ng naturang pelikula na pinagbibidahan ni Jared Leto.
Ang naturang film ay gawa ng direktor na si Daniel Espinosa.
Nakatakda sanang ipalabas ang ”Morbius” sa January 28 ngunit dahil sa tumataas na kaso ng omicron variant ay inilipat na lamang ito sa April 1.