Muling ititigil pansamantala ng Land Transportation Office o LTO ang pagpapalabas ng mga renewals at bagong lisensya sa kanilang mga sattelite offices sa mga malls.
Ayon kay Jason Salvador, tagapagsalita ng LTO, ito’y para unahin ang backlog ng mga nauna nang inihain ng libu-libong mga aplikante.
Aniya, nagkaroon ng shortage sa lisensya kaya’t minabuti nilang unahin muna ang backlog ng mga lisensya bago tumanggap ng bagong applications.
Dahil dito, sinabi ni Salvador na sa main at regional offices muna maaaring tumanggap ng mga applications para sa bago at renewal na lisensya.
Humingi naman ng pang-unawa sa publiko si Salvador at tiniyak na panandalian lamang ito.
By Jaymark Dagala