Pinayagan na ng Quezon City Council si Mayor Herbert Bautista na maglabas ng P29.9 million pesos na pondo para sa pagkain ng mga preso sa city jail.
Batay sa city resolution 7163-2017, inatasan ng konseho si Bautista na maglaan ng sapat na badyet upang makakain nang maayos ang mga nakakulong sa detention center ng lungsod.
Ang Quezon City jail ay pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP at tinatayang P13,000 detainees ang nakakulong dito.
Sakaling maisakatuparan ito, magkakaroon din ng masarap na almusal ang mga preso katulad ng pandesal, pan de coco, monay at spanish bread.