Ipinag-utos na ng Korte Suprema sa Office of the Solicitor-General na bigyan ang mga petitioner ng kopya ng libu-libong police document kaugnay sa war on drugs ng gobyerno.
Ito’y makaraang ihirit ng free legal assistance group at Center for International Law sa Korte Suprema na ipag-utos kay Solicitor General Jose Calida ang pag-release ang itinatagong “tokhang” documents.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka, hindi pa malinaw kung ilang mahistrado ang bumoto pabor sa pagpapalabas ng kopya ng mga police report.
Disyembre noong 2017 nang pagsumitihin si Calida ng mga dokumento ng nasa 3,000 napatay sa mga lehitimong anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police.
Una ng hiniling ng SolGen na i-rekunsidera ng SC ang kautusan subalit ipinag-utos na tumalima na lamang at kalauna’y nagsumite naman si Calida ng mga dokumento subalit para lamang sa mga mahistrado.
(with report from Bert Mozo)