Iginiit ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) na nakasalalay sa liquidation report ng mga local government units (LGU)’s ang pagpapalabas sa second tranche ng social amelioration (SAP) fund.
Ayon kay dswd asst secretary joseline niwane, ibababa lamang nila ng pondo para sa second tranche kung ang lahat ng lalawigan sa isang rehiyon ay nakapasumite na ng liquidation report para sa unang tranche ng SAP.
Hindi anya maibibigay ang pondo kahit pa isang lalawigan na lamang sa isang rehiyon ang wala pang liquidation report.
Labing pitong milyong pamilya ang inaasahang makakatanggap ng ikalawang tranche ng SAP.