Bawal na muli lumabas ng bahay ang mga batang limang taong gulang pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions.
Ito’y matapos suspendihin ng Inter‑Agency Task Force (IATF) ang resolusyon kung saan pinapayagan noon lumabas ang mga batang nasa nabanggit na edad.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata lalo’t may banta ng delta variant, hindi na muna papayagan lumabas ngayon ang mga bata.
Ani Duque, kung makita naman na hindi magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kabila ng presensya ng Delta variant posibleng muling maging epektibo ang resolusyon na pinahihintulutan ang mga bata na makapasyal sa mga open spaces.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na binibigyan ng karapatan ang mga LGU na wala sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions na taasan ang age restrictions ng mga batang pwedeng lumabas ng bahay.