Ipinagbabawal na ang aborsyon o pagpapalaglag ng sanggol sa Amerika alinsunod sa inilabas na kautusan ng United States Supreme Court (USSC).
Sa botong lima mula sa siyam na hukom ng Korte ng Estados Unidos binaligtad ang desisyong Roe vs Wade noong 1973 na nagsasabing protektado ng konstitusyon ng US ang karapatan ng mga babae na magpalaglag.
Ito’y kung saan batay sa lumang batas maaaring ipalaglag ng isang babae ang kanyang ipinagbubuntis na sanggol sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis nito.
Ayon sa ulat ng Planned Parenthood, isang healthcare organization na nagbibigay ng aborsyon, aabot sa 36M kababaihan ang maaapektuhan ng mawawalan access sa aborsyon.
Samantala, nasa 13 estado ng nasabing bansa naman ang maaapektuhan ng bagong batas.