Sumentro sa pagpapalakas ng diplomatic at bilateral relations ang pulong sa pagitan ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at apat na foreign diplomats.
Una nang nag-courtesy call kay Marcos sina South Korean Ambassador Kim Inchul, Indian Ambassador Shambhu Kumaran, U.S. Chargé D’Affaires Heather Variava at Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko.
Kabilang sa mga naging paksa nina BBM at Kazuhiko ang employment at ekonomiya habang agrikultura, microfinancing at domestic manufacturing ng ilang gamot ang napag-usapan ng presumptive president kasama si Kumaran.
Samantala, ang pagsasaayos naman sa Information Technology ng bansa at posibleng pagbuhay sa Bataan Nuclear Powerplant ang tinalakay nina Marcos at Inchul.
Climate Change at Defense and Security naman ang pinag-usapan ni BBM at Variava.