Isinusulong ni Congressman Lord Allan Velasco ang reorganization at pagpapalakas ng ERC o Energy Regulatory Commission.
Sa pamamagitan ito ayon kay Velasco nang pagpapalit ng pangalan ng ERC bilang Philippine Power Regulatory Commission.
Sinabi ni Velasco na nais niyang kausapin si House Speaker Pantaleon Alvarez para sa posibleng consolidation ng mga panukala hinggil sa komisyon.
Una nang inihain ni Alvarez ang panukalang buwagin ang ERC at bumuo ng Board of Energy sa ilalim ng Department of Energy.