Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalakas sa Family Planning Program sa ilalim ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Law upang mabawasan ang insidente ng teenage pregnancies o maagang pagbubuntis.
Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, ito ang paraan upang hindi lumobo ng husto ang populasyon ng bansa at mabawasan ang bilang ng mga nagugutom at walang trabahong mga Pilipino.
Naglaan anya ang gobyerno ng 2 Bilyong Piso sa pamamagitan ng Department of Health para ilarga ang family planning methods sa mga mahirap.
Tinitiyak din ng gobyerno na ang mga paraang ito para ma-kontrol ang paglobo ng populasyon ay mga non-abortifacient.
Dagdag ni Pernia, batid ng Pangulo na may maliliit na sektor na tutol sa naturang batas kaya’t maaari silang umapela sa punong ehekutibo sa halip na sa mga Korte.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Pagpapalakas ng Family Planning Program ipinag utos na ng Pangulo was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882