Pinalakas pa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Filipino Sign Language (FSL) sa bansa.
Sa pamamagitan ito nang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan sa National Coordination Network of Deaf Organization at National Coordination Network for Interpreting.
Sa ilalim ng kasunduan, magtatalaga ang KWF ng mga unit na makakatuwang nila sa pagpaplano at implementasyon ng promosyon at pagtuturo ng FSL.
Habang layon din ng kasunduan na gawin nang normal sa bawat tanggapan ng pamahalaan ang wikang senyas.
Noong 2018, unang ipinatupad ang FSL sa ilalim ng Filipino Sign Language Act bilang pambansang senyas ng mga pilipinong may diperensya sa pagdinig.
Gagamitin ito bilang opisyal na wikang senyas sa mga transaksiyon sa pamahalaan, paaralan, broadcast media at trabaho.