Itinulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam sa depensa, seguridad, at maritime operations.
Sa courtesy call sa malakanyang ni Vietnam Minister of National Defense General Phan Van Giang, pinuri ni PBBM ang lumalagong relasyon ng dalawang bansa na dati ay nasa antas lamang ng diplomasya.
Kasama na rin aniya rito ang ugnayan sa kalakalan ng magkabilang panig.
Kaugnay nito, umaasa ang pangulo na ang pagbisita ng Vietnamese Defense Chief ay magbibigay-daan para sa pagpapaigting pa ng mga kooperasyon.
Samantala, pinuri naman ni General Phan ang Navy-to-Navy discussions ng dalawang bansa.
Kumpiyansa ito na malaki pa ang maitutulong ng Pilipinas sa ASEAN Community bilang isang responsableng miyembro ng ASEAN.