Nagkasundo na ang Pilipinas at Japan na palakasin pa ang kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.
Naganap ito sa pagpupulong nina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana at Japanese Minister of Defense Nobuo Kishi sa Tokyo, Japan.
Sa pagpupulong, tinalakay ang iba’t-ibang isyu kabilang ang; giyera sa Ukraine, de-nuclearization ng North Korea, sitwasyon sa Myanmar, tensyon sa Taiwan Strait, at isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isyu sa West Philippine Sea at Taiwan Strait, nanindigan ang dalawang opisyal na kailangang pairalin ang freedom of navigation at overflight, mapayapang resolusyon ng disputes, at paggalang sa international law.
Nagkasundo naman ang dalawang opisyal na magtulungan para solusyonan ang mga “maritime security challenges”. – sa panulat ni Abby Malanday