Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Junior ang pagiging sapat at matatag ng suplay ng kuryente sa bansa kung marerebisa ang Renewable Energy Law.
Ayon sa punong ehekutibo, malaki ang benepisyo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa itinataguyod niyang pagpapalakas ng paggamit ng renewable energy lalo sa foreign investments.
Binanggit din ng pangulo ang mga isinusulong nitong infrastructure projects sa ilalim ng Private-Public Partnership.
Ito, ayon kay PBBM, ay bahagi ng kanyang plano para mapaganda ang business climate at gawing top investment destination ang bansa. —sa panulat ni Hannah Oledan